MPOC Meeting isinagawa sa Datu Abdullah Sangki

Patuloy ang pagsisikap ng Datu Abdullah Sangki LGU upang tuluyang manumbalik sa normal ang sitwasyon ng ilang baranggay na dati ay naapektuhan ng tension sa pagitan ng mga armadong grupo.

Sinasabing ilang pamilya pa rin ang hindi nakakabalik sa kani kanilang mga pamamahay at patuloy na nanunuluyan sa kanilang mga kaanak, at sinasabing ilang mga istudyante pa ang di pa nakakapagmartsa sa kanilang mga graduation base sa impormasyong tinalakay sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting noong araw ng byernes.

Matatandaang lumikas ang ilang sibilyan magmula sa mga Baranggay ng Old Maganoy at Kaya –Kaya matapos magkaengkwentro dalawang armadong grupo.


Kaugnay patuloy ang mga inisyatiba ng LGU DAS sa pangunguna ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu para mareresolba na ito sa lalong madaling panahon at matuldukan na ang ugat dahilan ng hidwaan ng mga sangkot nga armado sa tulong na rin ng mga otoridad.

LGU DAS PICS


Facebook Comments