MRT-3 GM Rodolfo Garcia, pumanaw na matapos magpositibo sa COVID-19

191

Pumanaw na kagabi si Metro Rail Transit (MRT) Line 3 General Manager Rodolfo Garcia matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa statement, sinabi ng Department of Transportation (DOTr), lubos silang nagluluksa sa pagkawala ng isa sa mga miyembro ng kanilang pamilya.


Nagpapasalamat ang DOTr kay Garcia lalo na sa pagbabahagi niya ng kanyang expertise, kaalaman at leadership.

Kinikilala nila ang walang kapagurang pagtatrabaho ni Garcia para mapabuti ang estado ng MRT-3.

Noong January 28, sinabi ng DOTr na naka-confine sa isang intensive care unit (ICU) si Garcia matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Si Garcia ay isang police general na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 bilang MRT-3 general manager.




Facebook Comments