Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na walang dagdag sa pamasahe ang gagawing rehabilitasyon sa MRT.
Kasunod ng nakatakdang MRT-3 rehabilitation ngayong buwan ay siniguro ng pamunuan na walang magiging epekto sa pamasahe ang pag-sasaayos ng linya at pasilidad ng tren.
Target ng MRT-3 na sa loob ng tatlong taon ay unti-unting aayusin ang riles, power supply, signaling system at technical facilities ng MRT.
Ilan pa sa tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 ang pagpapanatili ng byahe ng 15 tren kada araw at isasagawa ang maintenance tuwing holiday.
Kasabay nito ay humingi ng pang-unawa ang MRT-3 sa magiging epekto ng rehabilitasyon ng MRT-3 sa higit 300,000 pasahero.
Facebook Comments