Magsasagawa ng Holy Week maintenance shutdown ang Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 mula April 13 hanggang April 17.
Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit o makakasakay ang mga pasahero sa lahat ng mga istasyon ng tren.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, ipatutupad ang tigil-operasyon para sa taunang masinsinang maintenance rehabilitation activities ng rail line.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ang pagpapalit ng mga turnouts, paglalagay ng mga point machine, at pagkakabit at realignment ng mga CCTV units sa mga istasyon ng linya.
Tiniyak naman ng MRT-3, katuwang ang Department of Transportation (DOTr) Road Sector, ang pagpapatupad ng EDSA Bus Carousel Augmentation Program para umayuda sa mga pasahero na maapektuhan ng maintenance shutdown.