Samahang Lacson-Sotto, nakataga na sa bato

42

Inihayag ni presidential aspirant Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi siya nangangamba sa kanilang samahan ni vice presidential aspirant Senate President Vicente Tito Sotto III dahil nakataga na aniya ito sa bato.

Ito ang naging tugon ni Lacson sa isinagawang ambush interview sa Municipal Hall ng Romblon sa Lalawigan ng Romblon sa katanungan ng media kung hanggang sa huli ba ay magsasama sila ni Sotto dahil ipinareha at iniindorso si Sotto sa iba’t ibang mga presidential candidates.

Ayon kay Lacson simula ng kanilang napagkasunduan ang pagtakbo sa halalan hanggang sa maghain ng Certificate of Candidacy (COC), itinaga na nila sa bato ni Sotto na hindi sila maghihiwalay anuman ang mangyari.


Masaya aniya siya na marami o kaliwa’t kanan ang nag-endorso kay Sotto mula sa iba’t ibang partido.

Paliwanag ni Lacson ang tagumpay ni Sotto ay maituturing na ring tagumpay niya dahil sa masaya siya kumpara sa iba na naglalaglagan na.

Naninindigan naman si Sotto na talagang solid pa rin sila ni Lacson kahit marami na siyang inindorso na natatanggap mula sa ibang kampo at ipinapares sa ibang presidential candidates.



Nagtungo ngayong araw ang dalawa sa Romblon para ilatag ang kanilang adbokasiya at plataporma kung saan mainit silang sinalubong ng mahigit isang libong residente.

Facebook Comments