Motorcade ng Itim na Nazareno, isasagawa sa Biyernes Santo

70

Magsasagawa ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ng motorcade ng imahe ng Itim na Nazareno sa Biyernes Santo o sa April 15.

Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, bagama’t hindi nila maibabalik ang pagpasan sa Itim na Nazareno, sinisikap nila na magkaroon sa Good Friday ng motorcade procession.

Nanawagan naman si Badong sa mga deboto na gawing tahimik ang magiging prusisyon sa Semana Santa.


Hindi rin aniya kinakailangan magpaa ng mga deboto, magdala ng kandila dahil tahimik lang isasagawa ang magprusisyon.

Maliban dito, sinabi ni Fr. Badong na magsasagawa rin ang parokya ng prusisyon ng mga replica ng imahe ng Itim na Nazareno sa darating na Miyerkules at Huwebes.

Facebook Comments