Tiniyak ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na wala nang ipatutupad na temporary shutdown sa mainline hanggang matapos ang buwan ng Disyembre ngayong taon.
Kasunod ito ng huling tatlong araw na temporary shutdown para bigyang daan ang pagpapatuloy sa pagsasa-ayos ng turnouts sa Taft Avenue station.
Ang turnout o railroad switch ay mahalagang parte ng isang railway na ginagamit upang makalipat ang tren sa isang track patungo sa ibang track.
Matatandaang nagpatupad rin ng weekend shutdown ang linya noong November 15 at 16 para sa pagaayos ng turnouts sa 2A at 3C sections ng parehong istasyon.
Ngayong araw, balik-operasyon na ang MRT-3 at makakapagsakay nang muli ito ng 30% passenger capacity, na mayroong 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Asahan din ngayong buwan ang pagpapataas ng bilis ng tren sa 60-kilometer kada oras mula sa 50kph.