MRT-3, nagsasagawa ng safety checks simula ngayong Miyerkules

115

Manila, Philippines – Nag-abiso ang pamunuan ng Metro Rail Transit – MRT line 3 sa mga mananakay na maging mapagpasensiya dahil magsasagawa sila ng safety checks simula ngayong Miyerkules.

Ayon kay MRT Spokesman Mike Tezon, ito ay dahil sa hinihinalang damage ng tren matapos na makarinig ng kakaibang tunog habang ito ay umaandar.


Bababa sa 15 ang tren na gagamitin habang babawasan din hanggang sa 20 kilometer per hour ang bilis nito mula sa normal na 40-60 kilometer per hour sa susunod na apat na araw.

Nagsimula na ang safety checks sa mga tren kaninang alas-2 ng hapon at asahang tatagal hanggang sa linggo.
DZXL558

Facebook Comments