MRT REHABILITATION | Rehabilitasyon sa MRT-3, posibleng matapos sa kalagitnaan ng 2020

Manila, Philippines – Posibleng matapos ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit 3 sa kalagitnaan ng 2020.

Base sa isinagawang inspeksyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA), hindi bababa sa 26 buwan bago tuluyang maisa-ayos ang operasyon ng train system ng MRT 3.

Hindi lang kasi mga tren ang aayusin sa MRT dahil magsasagawa rin ng rehabilitation work sa power supply, signaling system , security cameras, public address system, elevators, escalators at iba pang pasilidad ng MRT.


Sa ngayon, aabot na sa 16 na tren ng MRT ang maayos na nakakabiyahe.

Facebook Comments