Mas maraming pasahero ang maisasakay ng MRT7 kumpara sa MRT3 kapag nagsimula na ang operasyon nito.
Ayon kay DOTr Usec Railways Timothy Batan, may kakayanan itong mag sakay ng kalahating milyon pasahero kada araw.
Galing Korea ang 108 na mga bagon o katumbas ng 36 na tren at mas malaki ito sa tren ng MRT3.
Base sa disensyo ng ruta ng riles kakayanin patakbuhin ang tren hanggang sa 80kph.
Ibig sabihin 34 na minuto nalang ang magiging byahe mula San Jose Del Monte Bulacan papunta sa common station sa North Ave QC.
Malayo sa 3 hanggang sa 4 oras na byahe kung sasakay ng bus ang pasahero.
Inaasahan sa sa year 2021 o 2020 ang partial operation ng MRT7 mula sa North Ave station hanggang sa Sacred Heart Station.
Facebook Comments