MULING NAGBABALA | DOE, nagbabala sa paggamit ng Butane canister

Manila, Philippines – Muling nagbabala sa publiko ang Department of Energy sa peligrong dala ng paggamit ng butane canister na ni-refill o kinargahan ng Liquefied Petroleum Gas.

Ginawa ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pahayag kasunod ng buy-bust operation kamakailan ng PNP at DOE sa isang Public Market sa Cebu kung saan talamak ang iligal na pagbebenta ng LPG-Refilled Butane Canisters.

Giit ni Cusi sa mga Consumers, tigilan na ang pagtangkilik sa ganitong paraan ng pagtitipid dahil sadyang delikado at pwede itong maging mitsa ng sunog o mas malala maging sanhi pa ng pagkamatay.


Katunayan aniya ilang insidente na ng sunog ang naitala kung saan natukoy na dahilan ang sumingaw na canister na kinargahan ng LPG.

Kasabay nito, umaapela ang Energy Department sa lahat ng Local Government Units na pangunahan ang hakbang na pipigil sa nabanggit na iligal na aktibidad at palakasin ang suporta sa Safety Campaign ng ahensya.

Lalo namang pag-iibayuhin ng DOE ang monitoring laban sa mga hindi tamang gawain sa energy industry at handa itong magbigay ng Technical Assistance sa mga otoridad kaugnay nang pag-aresto sa mga indibidwal na sangkot dito.

Facebook Comments