
Binigyang-diin ni Manila Representative Joel Chua na hindi pinag-uusapan ng House Prosecution Panel ang muling paghahain sa 20th Congress ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Inihayag ito ni Chua, na isa ring House prosecutor, bilang paglilinaw sa binanggit ni Senator-elect Erwin Tulfo na plano ng Kamara na i-refile sa susunod na Kongreso ang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Paliwanag ni Chua, hindi maaaring gawin ang refiling dahil may one-year bar rule na nagtatakda na isang impeachment complaint lamang ang puwedeng ihain sa loob ng isang taon.
Facebook Comments









