
Personal na aalamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang estado ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Sa ngayon nakalatag ang mga hinihinalang floating shabu na nakuha sa karagatan ng Masinloc, Zambales noong June 3, Bolinao, Pangasinan noong June 7 at June 8, at ang nakuha sa Cagayan nitong June 20.
Nauna nang ipinag-utos ng Pangulo na muling tutukan ang street level campaign laban sa iligal na droga o ang pag target sa maliliit na supplier at pushers sa mga lansangan at iskinita, kasabay ng pagtugis sa malalaking sindikato at drug operations.
Facebook Comments