Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ibang ahensiya ng pamahalaan para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda para sa mga driver at operator.

Ang fuel subsidy ay tulong sa transport sector na lubhang maaapektuhan ng big time oil price hike dulot ng kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa DOTr, hindi kailangang consolidated ang mga driver o operator para makatanggap ng fuel subsidy.

Ayon sa DOTr, nais ng pamahalaan na maging inklusibo ang programa lalo’t buong sektor ay mararamdaman ang epekto ng pagtaas ng krudo, consolidated man o hindi.

Inaasahang ilalabas ang subsidiya sa lalong madaling panahon ayon sa utos ng Pangulong Bongbong Marcos na madaliin ang distribution nito.

Facebook Comments