Hindi masabi ngayon ng Private Hospitals Association of the Philippines o PHAPi kung resulta nang hindi pagsusuot ng face mask nang ilang Pilipino sa mga open spaces ang pagtaas na bilang mga nagpopositibo sa Coronavirus.
Matatandaang pinapayagan na ng gobyerno ang hindi pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Jose de Grano, pangulo ng PHAPi na batay sa kanyang obserbasyon marami na ang hindi nagsusuot ng face mask sa mga open spaces.
Batay naman sa kanilang monitoring nitong nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo ay tumataas ang kaso ng COVID-19.
Ngunit sa ngayon hindi pa nila direktang masabi kung may koneksyon ito.
Magkagayunpaman panawagan ni Dr. De Grano sa publiko na huwag masyadong kampante at dapat sumunod pa rin sa mimimum health standard, magpabakuna at booster shot.
Sa kabila naman na tumataas ang kaso ng COVID-19, sinabi ni Dr. De Grano na mababa pa rin ang ang hospital utilization rate.
Karamihan daw kasi sa mga nagpopositibo ay asymptomatic o ‘di kaya at trangkaso lang nararamdaman, kaya ang kanilang ipinapayo ay sa bahay nalang mag-isolate at magpagaling.