PBBM, kinilala ang katapangan at kabayanihan ng limang rescuers na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding

107
Photo Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

Nalungkot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa sinapit nang limang rescuers sa San Miguel, Bulacan noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Ang limang rescuers na sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Narciso Calayag Jr., at Jerson Resurreccion ay nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na pagligtas ng buhay habang nagaganap ang flash flood epekto ng Bagyong Karding.

Aniya ang katapangan at kabayanihan ng limang rescuers ay mananatiling alaala sa mga Pilipino.


Ipinagdasal naman ng pangulo ang mga pamilyang naiwan ng limang rescuers.

Facebook Comments