Milyong-milyong halaga ng shabu, nasabat ng PNP sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation

236

Narekober ng Philippine National Police (PNP) ang halos ₱13 million halaga ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa San Mateo, Rizal at Dasmariñas, Cavite.

Sa unang operasyon, narekober ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station at Rizal Provincial Intelligence Unit ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱7M.

Sa pangalawang operasyon naman nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 4A, Cavite Provincial Police Office, Dasmarinas City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang 850 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos ₱6M.


Sa ngayon, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga naarestong suspek.

Facebook Comments