MULING TATAKBO | Dating Sen. Juan Ponce Enrile, muling sasabak sa pagka-Senador kahit 94 anyos na

Manila, Philippines – Muling sasabak sa Senatorial race ang 94-anyos na si dating Senador Juan Ponce Enrile.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Joseph Sagandoy, naghain na kanina ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Enrile bilang independent Senator.

Nabatid na nagsilbing Senador si Enrile sa loob ng apat na termino.


Taong 2014 nang makulong si Enrile, kasama sina dating Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada dahil sa kasong graft at plunder kaugnay ng umano ay pagtanggap nila ng kickback mula sa pork barrel scam queen na si Janet-Lim Napoles.

Nagbalik-trabaho siya sa Senado noong 2015 matapos na payagan siyang makapag-piyansa ng Korte Suprema.

Facebook Comments