Baguio, Philippines – Asosasyon ng Barangay Council ng Baguio City ay nag propose na taasan ang multa sa mga mga mahuhuling lalabag sa batas trapiko dito sa Baguio City.
Ayon sa local government ng Baguio City ay kailangan ng mas maging kamay na bakal at mag dagdag pa ng pangil para mas maging maayos at organisado ang batas trapiko dito sa siyudad ng Baguio. Matatandaang hindi puwedeng mag park sa central business district nang 6am-9am at 4pm-7pm.
Noon nakaraang Lunes sa city council session, Isang Councilor ang nag propose na dapat ng taasan ang multa sa mga matitigas ang ulo na mahuhuling mag i-illegal parking sa mga kalsada o maging sa mga barangay man. Ang nasabing pag taas ng multa ay magmula sa 150 pesos na dating singil ay magiging 700 pesos na. Ayon sa mga Councilor at mga Barangay officials ay sinasawalang bahala na ng mga motorista ang naturang illegal parking dahil nga sa masyadong mababa ang multa dito at napag usapan din na pati ang lisensiya ng driver ay makukumpiska na din.
Paalala sa mga turista na bibiyahe o maging mga idol natin na taga Baguio City na sumunod sa batas trapiko at iwasan mag park kung saan-saan para maiwasan ang traffic at magmulta.
Ikaw idol, sang ayon ka ba sa pag taas ng multa sa mga mahuhuling traffic violators?