MULTILINGUAL | Scholarship para sa gustong matuto ng ibang wika, inaalok ng TESDA

Manila, Philippines – Good news para sa mga Pinoy na sa gustong matutong magsulat at magsalita ng ibang wika, magbibigay ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ng 5,000 scholarship para sa mga manggagawang Pinoy.

Ayon kay Rosanna Urdaneta, Deputy Director General for Policies and Planning ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA – puwedeng mamili sa mga kursong English, Japanese, Mandarin, Arabic, Spanish, Russian, German, At Bahasa.

Prayoridad ng ahensya ang mga OFW at pati na rin ang mga nagtatrabaho sa Pilipinas.


Nabatid na “first-come, first-served basis” ang scholarship at para maka-avail nito, kailangang Pilipino ang aplikante, hindi bababa sa 18 taong gulang at high school graduate.

Puwede ring mag-register online sa website ng TESDA na www.tesda.gov.ph at hintayin ang kanilang text o tawag.

Facebook Comments