TIGIL MUNA | Mga labor inspection ng DOLE, ipatitigil sa Disyembre

Manila, philippines – Pagpasok ng buwan ng Disyembre, ipatitigil na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng mga labor inspection.

Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay upang maiwasan na ang pagkakaroon ng suhulan at korupsyon lalo’t papalapit na ang Pasko.

Sa ilalim ng Administrative Order no. 548, pansamantalang ititigil ang pagsasagawa ng mga labor inspection, simula sa unang linggo ng Disyembre hanggang sa January 7, 2018


Ayon sa DOLE, kasabay ng pagtigil sa labor inspections, tututukan naman nila ang mga pending na labor standard cases, at paghahandaan ang mga isasagawang labor inspections para sa taong 2018.

Facebook Comments