Mundo, kapos na ng 6M nurse ayon sa WHO

Mayroong anim na milyong kakapusan sa mga nurse sa buong mundo.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa ngayon ay nasa 28 milyon ang bilang ng mga nurse sa buong mundo.

Pero mayroon pa ring global shortage sa mga nurse partikular sa mga low- at lower-middle income countries gaya ng Africa, Afghanistan, Pakistan, Yemen at Venezuela.


Nasa 100 medical workers na rin ang nasawi sa gitna ng laban kontra COVID-19 at kabilang rito ang nakaraming nurse.

Marami nurse din ang infected ng sakit sa Spain at Italy.

Kasabay nito, umapela rin ang WHO, nursing now at International Council of Nurses (ICN) na protektahan ang mga healthcare workers mula sa harassment at iba pang uri ng pag-atake sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments