Rekomendasyon ng IATF na palawigin ang ECQ hanggang April 30, aprubado na ni PRRD

Pormal nang pinalawig ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nilang palawigin ang ECQ hanggang April 30, 2020.

Sa ilalim nito, paiiralin pa rin ang mga kasalukuyang guidelines ng iatf kabilang ang pagbibigay ng exemptions sa mga frontliners.


Kasabay nito, binigyang-diin ng IATF ang kahalagahan ng pagpapalawig sa ECQ.

Ayon kay Nograles, kailangang i-extend ang ecq para mas mapag-aralan ang COVID-19 at mapataas ang health capacity ng luzon at ng iba pang rehiyon.

Facebook Comments