Saturday, February 21, 2026

Mungkahing alisin ang VAT exemptions para sa senior citizens, binatikos

Pinalagan ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ompong Ordanes ang mungkahi na alisin ang exemption sa Value Added Tax (VAT) ng mga senior citizen.

Tiniyak ni Ordanes na lalabanan nila ang lahat ng pagtatangka na alisin ang mga benepisyong nararapat para sa mga nakatatanda.

Ayon kay Ordanes, silang mga senior ay matagal nang naglingkod at patuloy pang nag-aambag sa lipunan.

Ipinunto ni Ordanes na maraming dekada na silang nagbayad ng samu’t saring buwis kaya kawalan ng hustisya kung babawiin ang kanilang VAT exemptions.

Giit ni Ordanes, huwag gawing panakip-butas ang mga senior citizen sa kakapusan ng budget at kakulangan sa pagkolekta ng umiiral na mga buwis.

Facebook Comments