Mungkahing gawin kondisyon ang pagpapabakuna para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, pag-uusapan pa

Pag-uusapan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mungkahing gawin kondisyon ang pagpapabakuna para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, suportado ng ahensiya ang vaccination program ng pamahalaan at handa itong tumugon sakaling magkaroon ng pagbabago sa programa.

Aniya, ang kasalukuyang kondisyon sa ilalim ng programa ay dapat na nag-aaral ang mga anak ng mga benepisyaryo, nag-a-avail ng health services at dumadalo sa buwanang family development session.


Mababatid na pasok sa category A5 priority group ang mga indigent o mahihirap na tinatayang may bilang na 16 milyon.

Facebook Comments