Posibleng magbago ang isip ng mga immunization expert ng pamahalaan hinggil sa pagpapabakuna sa mga influencer lalo na at inaasahang madadagdagan ang supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Sa interview ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi tinanggap ang proposal dahil limitado ang doses ng bakuna ang mayroon ang bansa.
Pero sinabi ni Roque na posibleng aprubahan ang proposal kapag dumating na ang karagdagang vaccine supply.
Matatandaang ibinasura ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang proposal ng Inter-Agency Task Force na maglaan ng Sinovac vaccines sa 50 influencers para maitaas ang tiwala ng publiko sa vaccination program.
Kabilang sa mga nais isama sa immunization program ang ilang public officials at sikat na personalidad.