Mungkahing pagpapalawig sa Rice Tariffication Law na may kasamang pagbabago sa ilang probisyon, suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.

Suportado ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang mungkahing pagpapalawig sa Rice Tariffication Law.

Sinabi ni Laurel na walang duda na kailangan pang palawigin ang batas.

Gayunman, kailangang may baguhin upang mai-angkop ito sa panahon partikular sa isapin ng modernisasyon


Ani Laurel, isa sa mga nais nitong mabago ay ang alokasyon ng pondo na hindi lalagpas sa ₱10 billion na ilalaan para sa farm inputs.

Nitong nakalipas na taon, ang kabuuang nakolekta aniya sa buwis ay umabot sa ₱29 billion.

Naniniwala si Secretary Laurel na dapat madagdagan ang alokasyon para mapahusay ang kakayahang makipagsabayan ng mga magsasaka at mapondohan ang post-harvest facilities na maaaring magpababa sa dami ng mga inaangkat na bigas.

Batay sa unang napag-usapan ng mga opisyal ng DA, tinukoy ni Secretary Laurel ang pangangailangan na payagan ang DA o National Food Authority na ibalik ang kakayahan para impluwesiyahan ang presyo ng bigas sa pamilihan at huwag limitahan ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka para sa reserba o buffer stock.

Facebook Comments