Senador, naniniwalang propaganda ng China ang Gentleman’s Agreement

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na propaganda lang ng China ang Gentleman’s Agreement na pinasok ng nakalipas na Duterte administration.

Ayon kay Villanueva, ang China ang may pakana ng Gentleman’s Agreement at katawa-tawa man ay mistulang nagpapanggap ang China na walang alam pero batid nila na hindi talaga maipapatupad ang kasunduan dahil wala naman itong dokumento.

Nais aniya ng China na mag-away-away, magkahati-hati at mag-iba-iba ng posisyon ang mga Pilipino at hindi ito ang dapat na mangyari.


Sinabi ng senador na walang kaduda-duda na ang naturang secret deal ay bahagi lang ng plano at estratehiya ng China kaya huwag tayong pahuhulog sa trap nila.

Iginiit ni Villanueva na magkaisa tayo dahil dambuhalang bansa ang kalaban natin.

Dagdag pa ng Majority Leader na sa pagbabalik-sesyon ay aaktuhan nila ang inihaing resolusyon ni Senator Risa Hontiveros na nagpapaimbestiga sa pinasok ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China na Gentleman’s Agreement pero ito ay mabuting idaan sa caucus dahil sa ilang mga concerns ng mga senador.

Facebook Comments