Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms ang participation na pinamumunuan ni Senator Imee Marcos ay nangibabaw ang mungkahi na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections ngayong taon pero hindi pa malinaw kung kailan ito idaraos.
Sa pagdinig ay humirit pa ang liga ng mga barangay sa Pilipinas ng limang taong postponement para mabigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho pa at makatulong sa gobyerno.
Sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, masyadong mahaba at walang basehan ang limang taong pagpapaliban sa barangay elections.
Sa hearing ay sinabi naman ni COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr na tuloy-tuloy lang ang kanilang paghahanda para sa eleksyon hangga’t walang naipapasang batas para ito ay ipagpaliban.
Pero ayon ni Kho, mas mainam na gawin ito sa 2021 o 2023 upang hindi madikit sa may 2022 national elections para hindi sila mahirapan sa preparasyon katulad ng nangyari noong october 2010 na sumabay din sa presidential elections.
Si Senator Marcos naman nais itong gawin sa 2023.
Iginiit naman ng NAMFREL na dapat ituloy ang leksyon pero bukas sila sa kompromiso na gawin ito sa 2021.