Municipal Councilor pinakahuling nagpositibo sa Covid-19 sa Maguindanao

Limang kaso ng Covid-19 ang naidagdag sa Probinsya ng Maguindanao kahapon, September 6.
Kinabibilngan ito ng isang Sangguniang Member mula South Upi, isang kawani ng LGU Datu Abdullah Sangki, isang residente ng Pandag, residente ng Brgy. Making sa Parang Maguindanao at isang residente ng brgy. Awang sa Datu Odin Sinsuat ayon pa kay Dra. Elizabeth Samama, Health Officer ng IPHO Maguindanao, sa panayam ng DXMY.
Nasa ibat-ibang isolation facility na ang mga ito habang kapwa mga asymptomatic dagdag pa ni Dra. Samama.
Ilan sa kanila ay may travel history habang ang ilan ay may direct contact sa mga naunang Covid -19 Patients.
Sa kabuuhan, nasa 100 na ang kaso ng corona virus sa buong probinsya habang masaya namang inihayag ni Dra. Samama na 94 sa mga ito ay nakarekober na sa karamdaman.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng Health Department at Provincial Government sa lahat na patuloy na ipatupad ang minimum health standards.
Nagpapatuloy din ang inisyatiba ng Provincial Government sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu na matulungan ang lahat ng mga umuuwing LSI at ROF sa probinsya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments