Manila, Philippines – Walang problema kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang kabuuang isang milyong pisong pabuyang alok ng Citizen’s Crime Watch (CCW) para sa ikadarakip ng 4 na dating mambabatas na wanted dahil sa kasong Murder.
Ngunit nilinaw ni PNP Chief na ang pabuya ay hindi para mahuli ang mga ito ng “dead or alive” kundi reward para sa impormasyon na magreresulta sa pag-aresto sa mga ito.
Dagdag pa ni Albayalde na inaasahan niya mahuhuli ng buhay ang mga ito dahil wala namang history ng violence ang mga ito at hindi inaasahang manlalaban.
Una nang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, national legal adviser ng Citizen’s Crime Watch (CCW) na, tig 250,000 pesos ang pabuyang inaalok nila para kina dating kina anti-poverty Commission Head Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at mga dating kinatawan ng bayan muna na sina Satur Ocampo at Teddy Casiño na wanted for murder.
Paliwanag ni Albayalde na sa kabila na hindi kasama ang pabuya sa regular na reward ng pamahalaan, umaasa siya na makaka-hikayat ito sa mga informants na magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.
Wala naman aniyang indikasyon na lumabas ng bansa ang apat at dahil dito umaasa siya na magkakaroon ng positibong development sa ginagawang paghahanap sa mga ito ng PNP tracker teams.