Pormal nang binuksan kahapon ang Museo ni Jesse na matatagpuan sa Naga City Civic Center. Magiging bukas ito sa publiko Martes hanggang Linggo alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon. Libre, walang bayad, ang lahat ng nais pumasyal dito. (ref.nagasmilestotheworldfbpage)
Sa inauguration ceremony kahapon, ipinahayag ni National Historical Commission Executive Director Vic Badoy na naging ganap ang Museo para kay Jesse bilang pagbibigay karangalan sa hindi matatawarang pagpakita nito ng uri ng serbisyo publiko mula pa noong siya ay alkalde ng Naga sa loob ng halos 2 dekada at kalaunan ay naging Kalihim ng DILG. Naging tanyag ang Naga City sa pagsulong ni Robredo ng good governance at mas pinalawak pa ito nang siya ay naupo bilang DILG Secretary. Para kay Badoy, ang Museo ni Jesse ay magsisilbing inspirasyon para sa sambayanang Pilipino para kilalanin ang isang tunay na lider.
May ilang aspeto ang nasabing Museo na tumutukoy sa kanyang buhay habang naglilingkod sa gobyerno. Makikita rin dito ang mga personal na kagamitan ni Robredo. Ang Museo ni Jesse ay merong iba’t-ibang features tulad ng interactive galleries, shops, mini theatre at café shop.
Ayon pa kay Badoy, tungkulin ng National Historical Commission na mapangalagaan at higit pang linangin ang kwento ng bayan na bahagi ng national heritage sa pamamagitan ng masinsinang pag-aaral at publikasyon ng mga historic sites and structures at pamamahala ng national shrine at museum.
Agaw-pansin din sa paligid ng Museo ni Jesse ang kanyang life-size na estatwa na nakaupo sa gilid ng kalye na nakasuot lamang ng t-shirt, shorts at tsenilas, – simbolo ng kanyang pagiging payak at malapit ang loob sa mga ordinaryong mamamayan.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Rene Escalante, Executive Director ng National Historical Commission, na si Robredo ay isang huwarang ama, mapagkumbaba, simpleng opisyal ng pamahalaan at masugid na pinuno na hangarin lamang ay maglingkod sa kapwa at sa bayan. Idinagdag pa ni Escalante na isang malalimang pag-aaral ang isinagawa ng NHCP bago pa man pinasimulan at ganap na naisakatuparan ang pagpapatayo ng Museo ni Jesse na pinasinayaan kahapon, August 18, kasabay ng paggunita ng kanyang ikalimang death anniversary. -with grace inocentes and ed ventura@doble pasada rmn naga dwnx 1611
*photoshereinattacheddownloadedfromnagasmilestotheworld*