Sa pagdiriwang ng Eidl Ad Ha kahapon nagtipon tipon ang mga Muslim at Kristiyano sa harap ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag kontra terorismo.
Bitbit ang mga tarpaulin na naglalaman ng mensahe na “The enemy is not Muslim or Christian or Judaism. The real enemy is Extremism” tumayo ang mga Muslim at Kristiyano sa harap ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag upang ipakita ang pakikiisa ng mga ito upang labanan ang terorismo.
Ayon sa PNP Manaoag boluntaryo umanong pumunta ang higit 50 Muslim sa ibat ibang bayan ng Pangasinan upang ipakita na sila hindi anti-christian.
Suportado din umano ng mga ito ang ginagawang hakbang ng mga awtoridad na pagbabantay sa simbahan upang masiguro ang seguridad ng mga bisita at residente.
Samantala, walang nangyaring kanselasyon ng misa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag at dagsa pa rin ang bumibisita rito.
Photo Credit: PNP Manaoag