Muslim Congressmen, kinondena ang Abu Sayyaf

Manila, Philippines-Kinondena ng mga Muslim Congressmen ang ginawang pagpugot ng Abu Sayyaf Group kamakailan sa Aleman na si Jurgen Kantner.

 

Giit ng mga Muslim na mambabatas ang ganitong acts of terrorism ay hindi naaayon sa Islamic Religion at lalong hindi ito paraan ng pamumuhay ng mga Muslim.

 

Nilinaw ng mga mambabatas na walang katotohanan ang mga impormasyon na ang Abu Sayyaf ay tinutulungan o kinukunsinti ng mga sibilyan sa kanilang lalawigan.

 

Nanawagan si Anak Mindanao Rep. Sitti Dahlia Turabin-Hataman na huwag namang lahatin ng publiko ang mga Muslim sa batikos at huwag din silang i-discriminate. 

 

Sinabi naman ni Deputy Speaker Bai Sandra Sema na mabigat ang epekto ng pagpugot kay kantner dahil may dagok ito sa ekonomiya hindi lamang ng armm kundi ng buong bansa.

 

Nagtataka naman si Tawi Tawi Rep. Ruby Sahali na tuluy-tuloy ang operasyon ng militar ngunit hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang mga terorista.



Anak Mindanao Rep. Sitti Dahlia Turabin-Hataman, Deputy Speaker Bai Sandra Sema, Tawi Tawi Rep. Ruby Sahali

Facebook Comments