Muzzle Taping and Safekeeping of Firearms, Isinagawa sa Santiago City!

Santiago City- Patuloy ang mahigpit na pagtutok ng Santiago City Police Office (SCPO) sa kanilang kampanya sa mapayapa at ligtas na halalan.

Bilang bahagi nito ay matagumpay na isinagawa ang muzzle taping at safekeeping of firearms na pinangunahan naman ng COMELEC at ng SCPO kung saan ay dinaluhan naman ng mga kandidatong tatakbo ngayong halalan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PSupt. Melchor Ariola, tagapagsalita ng SCPO ay maganda naman aniya ang naging tugon ng mga inanyayahang mga kandidato sa kanilang idinaos na aktibidad.


Kabilang parin umano sa kanilang pinaiigting sa ngayon ay ang pagpapasuko sa mga baril na paso ang lisensya upang makaiwas sa mha hindi inaasahang insidente.

Dagdag pa rito ay tuluy-tuloy din ang kanilang pagsasagawa ng OPLAN Katok at Bakal Sita habang inihayag din nito na mula noong nagsimula ang COMELEC check point at gun ban ay wala pa namang mga nahuhuling limabag dito.

Samantala, balak ding puntahan ng kapulisan ang mga hindi nakadalong kandidato sa mismong bahay ng mga ito upang doon na isagawa ang muzzle taping ng kanilang mga baril.

Facebook Comments