MWSS, iimbestigahan ang umano’y sobra-sobrang singil ng Manila Water at Maynilad

Iimbestigahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga reklamo kaugnay ng sobra-sobra umanong singil ng dalawang water concessionaires sa gitna ng nararanasang pandemya.

Ayon kay MWSS Regulatory Chief Patrick Ty, batid nila ang mga reklamo dahil nasusundan nila ito sa social media.

Pinagpapaliwanag na nila ang Maynilad at Manila Water at mahigpit nilang minomonitor ang gagawin nilang aksyon.


Pinayuhan ni Ty ang mga complainant na huwag munang bayaran ang water bill habang hindi pa nareresolba ang reklamo.

Hindi rin aniya pwedeng gamitin ito na basehan para putulan ng suplay ng tubig ang mga complainant.

May nauna nang abiso ang MWSS sa Maynilad at Manila Water na gawing magaan sa mga consumer ang pagbabayad sa water consumption habang umiiral ang community quarantine.

Facebook Comments