40 mga drayber ng mga pribadong sasakyan, hinuli dahil sa paggamit ng bicycle lanes

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang apatnapung (40) mga drayber ng mga pribadong sasakyan sa Quezon City dahil sa paggamit ng bicycle lanes.

Ito ang iniulat ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield.

Aniya, lahat ng mga violator ay inisyuhan ng citation tickets ng PNP-HPG.


Una na rito ay nagbanta ang JTF COVID Shield na huhulihin ang mga motoristang gagamit ng bicycle lanes.

Sa ngayon marami ang gumagamit ng bisekleta dahil sa limitadong operasyon ng public transportation dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments