Ipinag-utos ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO) sa Maynilad Water Services, Inc. na magbigay ng rebate sa customers sa ilang lugar na kanilang sineserbisyuhan.
Ayon sa MWSS-RO, ito ay matapos na magkamali raw ang maynilad sa kompyutasyon ng bill na hindi alinsunod sa mga rate na kanilang inaprubahan.
gumamit anila ang maynilad ng Local Franchise Tax (LFT) ng Local Government Units kung saan sila nagseserbisyo sa halip na ang approved rate ng MWSS Board of Trustees (BOT).
Dahil dito, pinabibigyan ng rebate sa Maynilad ang kanilang customers na mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, Malabon, Valenzuela, at Quezon City.
Saklaw ng rebate ang bill ng maynilad customers mula nitong Marso hanggang ngayong buwan ng Hunyo.