Friday, February 13, 2026

Naantalang pagpapatayo ng gusali ng ng Ramon Magsaysay High School, muling ipagpapatuloy ng Manila LGU

Muling sisimulan at pabibilisin ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang konstruksiyon ng bagong 10-storey fully air-conditioned building ng Ramon Magsaysay High School sa España Boulevard.

Tiniyak ng Manila LGU na matatapos ang proyekto sa loob ng isang taon sa ilalim ng mas mahigpit na pangangasiwa.

Matatandaang naantala ang naturang proyekto matapos magdesisyon ang nakaraang administrasyon.

Nabatid na tatlong taon ang nakalipas nang simulan ang pagpapaayos ng building ngunit dahil sa pagkakaantala, ang mga estudyante ay nagka-klase muna sa Dr. Alejandro Albert Elementary School.

Magkakaroon ang gusali ng 209 fully air-conditioned classrooms, laboratories, e-library, Special Education (SPED) classrooms, gymnasium, auditorium, at iba pang modernong pasilidad bilang bahagi ng layunin ng lungsod na itaas ang kalidad ng edukasyon sa pampublikong paaralan.

Facebook Comments