Nakahuli pa ang Philippine National Police (PNP) ng 13 indibidwal dahil sa paglabag sa election gun ban.
Batay sa datos ng PNP ngayong Lunes, January 17, 2022, umabot na sa 162 ng mga nahuli nang magsimula ang Commission on Elections (COMELEC) gun ban nitong January 9.
Ang mga panibagong nahuli ay 12 sibilyan habang ang isa ay reservist ng militar.
Ang mga nahuling ito ay mula sa National Capital Region (NCR), Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Nakumpiska ng pulisya sa mga ito ang 10 baril, 4 deadly weapons, 90 bala at 6 na iba pang ipinagbabawal na bagay.
Sa kabuuan, may 27,826 checkpoints na ang isinagawa ng PNP.
Magtatagal ang COMELEC gun ban hanggang sa June 8, 2022.
Facebook Comments