DOH, nakapagtala ng higit 37,000 na kaso ng COVID-19 ngayong araw

64

Nakapagtala ng 37,070 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong bumaba kumpara sa 37,154 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,242,374 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 290,938 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 33,940 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,898,507 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52, 929 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 23 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 15 habang may labing dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments