Naarestong si Col. Nobleza at lover nitong Abu Sayyaf member na si Reenor Dungo, dumating na sa NAIA

Manila, Philippines – Pasado alas nuwebe dumating kanina sa NAIA ang eroplanong sinasakyan ng policewoman at nobyo nitong miyembre ng Abu Sayyaf.

Sakay ng Cebu Pacific mula Bohol sina Supt. Maria Cristina Nobleza at kanyang nobyong Abu Sayyaf member na si Reenor Dungo.

Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ng mga otoridad na nag escort kina Nobleza at Dungo


Agad naman na idinerecho patungo ng Camp Crame ang policewoman at ang Abu Sayyaf member na kasintahan nito.

DZXL558

Facebook Comments