Manila, Philippines – Nangangamba ang ilang aktibistang grupo sa posibilidad na punteryahin sila ng militar matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang mga teroristang grupo.
Ayon kay Ryan Amper, tagapagsalita ng Barug Katungod Mindanao, laganap ang pagpatay kahit hindi terorista kaya nababahala silang baka sila ang isunod na target.
Giit naman ni Rainer Almazan ng University of the Philippines-College of Social Work and Community Development, hindi malayo na may madawit kahit hindi miyembro ng NPA.
Sa kabila nito, tiniyak ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, na tinitingnan nila ang posibleng sabwatan ng CPP-NPA sa iba pang grupo.