Cavite – Patay ang 14-anyos na si Steven Gale matapos na mabagsakan ng concrete slab at mabasag ang kanyang bungo sa Barangay Talaba II, Bacoor, Cavite.
Ayon sa mga residente, sumilong si Gale na nagtitinda noon ng mangga sa ilalim ng isang concrete slab sa labas ng isang bahay.
Naramdaman umano ng biktima na may mga nahuhulog na debris kung kaya at umalis ito pero naiwanan niya ang mga panindang mangga kaya niya binalikan kung saan doon na siya nadaganan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng lumambot ang lupa at bumagsak na ang konreto dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Facebook Comments