NABAHALA | Paglipat ng COMELEC, ikinabahala ng kampo ni dating Senator Marcos

Manila, Philippines – Nababahala ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa paglipat ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Atty. George Erwin Garcia na ilang beses na pinadalhan ng notice ang COMELEC upang lisanin ang Palacio Del Gobernador dahil hanggang Disyembre 30 na lamang ngayong taon ang petsang ibinigay ng Office of the President sa COMELEC upang ilipat ang kanilang mga mahahalagang dokumento.

Paliwanag ni Atty. Garcia, gagamitin umano ng tanggapan ng pangulo ang Palacio Del Gobernador .


Pinangangambahan ni Atty. Garcia sa posibleng epekto ng gagawing paglipat ng mga dokumento at record lalo na at nakalagak sa punong tanggapan ng komisyon ang mga ebidensya patungkol sa Election protest ni Vice Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Nag-alala aniya ang kanyang kliyente na may masakripisyo o makaligtaang record na mahalaga sa sinusulong na election protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments