Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 62.95% ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa buong Lalawigan ng Isabela.
Batay sa datos ng National Immunization Program-Isabela Integrated Provincial Health Office ngayong araw, Nobyembre 24, 2021, nakapagbakuna na ang probinsya ng 62.95% out of 70% na target population.
Nasa 82.1% na rin ang nakonsumong bakuna ng pamahalaang panlalawigan sa ginagawang vaccination rollout sa probinsya.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 346,072 o katumbas ng 33.04% ang nabigyan na ng 2 nd dose o kumpletong bakuna sa Lalawigan habang nasa 682,489 o 62.95% naman ang nabigyan na ng kanilang first dose.
Mula sa mga priority groups na nabakunahan sa probinsya, nasa 99.8% na sa A1; 74% sa A2; 102.04% sa A3; 137% sa A4; 54.5% sa A5; 4,503 sa Pediatric A3; 71,421 sa Rest of Pediatric Population samantalang nasa 94,301% naman sa Rest of the Adult Population.
Muli namang nananawagan ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga hindi pa nababakunahan na magtungo lamang sa barangay o LGU para mairehistro at ng mabakunahan.