Inihayag ni San Juan City Mayor Francisco Zamora na umabot na ng 42,561 na indibidwal sa lungsod ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Mayor Zamora, ang nasabing bilang ay katumbas ng 50 porsyento mula sa 85,400 na target mabakunahan ng lungsod upang makuha ang herd immunity.
Aniya, kabilang dito ang mga A1 o medical frontliners, A2 senior citizen, A3 o persons with comorbidity, A4 o economic frontliners at A5 o Indigent Population.
Aniya, posibleng makuha ang herd immunity sa San Juan bago matapos ang buwan ng Agosto, kung mag tutuluy-tuloy ang pagdating ng COVID-19 vaccine sa lungsod.
Sa kasalukuyan, sinabi ng alkade na tinatayang nasa 2,500 hanggang 3,000 na indibidwal ang natuturukan ng COVID-19 vaccine kada araw.
Facebook Comments