NABAWASAN | Kumpiyansa ng mga negosyante sa ekonomiya ng bansa, bumaba

Manila, Philippines – Nabawasan ang kumpiyansa ng mga negosyante sa ekonomiya at pagnenegosyo sa bansa.

Ito ay batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa hanay ng iba’t-ibang sektor sa pagnenegosyo mula ika-2 ng Hulyo hanggang ika-19 Agosto.

Ayon kay BSP Department of Economics Statistic Head Redentor Paolo Alegre, tinukoy ng mga negosyante ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na epekto ng TRAIN Law.


Tinukoy rin rito ang paghina ng piso kontra dolyar, paghina ng demand ng mga mamimili at pagpigil ng commercial fishing sa Davao Gulf.

Gayunman, sinabi ng BSP na tiwala pa rin ang mga negosyante na makakabawi ang ekonomiya sa huling tatlong buwan ng taong 2018.

Facebook Comments