NABAWI | Ninakaw na motorsiklo, na-recover sa pamamagitan ng facebook sa Cauayan City

16

Cauayan City – Nabawi sa pamamagitan ng facebook ang isang motorsiklong tinangay noong Gawagaway-Yan Festival ng Cauayan City.

Sa ulat, isinuko ni Darwin Martines ng Barangay Sta. Rosa, Aurora, Isabela sa Aurora Police Station ang nasabing motorsiklo na may plakang BZ 70343 matapos malaman na karnap ito makaraang gamitin ng kaniyang kapatid na si Bryan.

Inamin naman ni Bryan na itinangay ng kasamahan nitong si Paulo Quijon ang motorsiklo at ipinagamit ito sa kaniya.

Sa ngayon, hawak naman na ng pulisya si Quijon at naisauli na din ang ninakaw nitong motorsiklo.

Facebook Comments