NAGPATIWAKAL | Isang binata, uminom muna ng battery solution bago nagpakamatay sa Capiz

24

Capiz – Patay na ang isang 22-anyos na binata ng matagpuan itong nakabitay malapit sa taniman ng mais sa bayan ng Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Benjie Baliguat ng Sitio Minoro, Barangay Alayunan ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, aksidente lamang na nakita ng tiyuhin ng biktima na si Antonio Baliguat na nakabigti ang pamangkin dahil pumunta ito ng maisan.

Agad nitong ipinagbigay alam sa mga otoridad ang pangyayari kung saan napag-alaman na bago nagbigti ang biktima ay uminom pa ito ng battery solution.

Patuloy ang imbestigasyon mga otoridad para malaman ang motibo ng biktima sa pagpapatiwakal.

Facebook Comments